hindi naman dinadala ni marvin yung car sa construction site dahil nga ginagamit ko si candy sa umaga. pero kahapon, holiday at dahil sinabi ko sa kanya na dadaan ako ng office saglit to do something sa lab that needs overnight drying (sayang naman kasi yung araw kung ngayon ko pa lang gagawin yun at ilalagay sa oven), he decided na dalhin na lang yung sasakyan at ihatid ako. around 2PM kami nakarating ng office ko tapos nagpunta siya ng site sa mussafah area habang nagwo-work ako. i called him up around 4 PM and asked him to fetch me up. he came around 5PM, we passed by in one of their construction sites in the city. on our way home, sometime before 6PM, tinatawagan siya ng mga kasamahan nya na nasa sa site nila sa mussafah. hinahanap siya kasi yung van nila ihahatid na yung mga kasama nya pabalik ng city. usually, kasama rin siya sa mga hinahatid pabalik. sabi nya, hindi nga siya sasabay kasi nga may dala siyang sasakyan. Binaba nya ako sa isang grocery along hamdan, tapos siya nagpunta sa opisina nila. bandang 8 PM tumawag siya sa akin, papunta siya ng Mafraq Hospital. yung van na supposedly ay darating ng city, na-aksidente. 3 patay, isa dun yung friend/ofismate nyang pinoy. dead on the spot. kawawa talaga. hindi nga rin mapakali si marvin kagabi kasi hindi nya alam kung paano sasabihin sa mag-ina ni Lito na wala na yung asawa nya. kagabi, sinabihan ako ni marvin na hindi ko na raw pwedeng dalhin papunta ng office si candy. sabi ko, bakit ako nadamay?? eh kasi daw kaya na-aksidente yung van dahil bago yung driver. natakot mabalo agad ang mokong. anyway, hindi pa nya alam ang full details kung ano ang nangyari kasi nga hindi raw sila pinapasok ng pulis kahapon sa hospital room. basta ang alam nya lang, 3 sa mga kasamahan nya ang dead on the spot, tapos the rest ay ginagamot pa. hay, life… just like that. nakakalungkot isipin. Lito's looking forward pa naman sa kanyang pag-uwi ng pinas (he resigned already sa company nila pero tinatapos nya na lang yung naumpisahan niyang projects) either this month or the next month thereafter. kakalungkot...
the only thing na ipinagpapasalamat namin ay dahil nagmasipag ako kahapon to render extra time at nagpahatid ng office. if not for that, he could have been in that accident as well. with all that happened, he seriously asked me to understand him why he's preventing me to drive. malumanay naman yung pakiusap niya kaya hindi na ako nagpaka-sutil. hehe.
0 comments:
Post a Comment