life as I see it...telling my story as simply as i could. making it sound less complex, less complicated.
Pasensiya Na
pasensiya na, di ko kayo naipagluluto
almusal ninyo'y hindi ako'ng naghahanda
sa umaga hindi ako nagpapaligo
at ni minsa'y di nahatid sa inyong eskuwela.
pasensiya na, inyong damit naglalaba'y iba
di ko alam paborito ninyong meryenda
ang homework nyo, hindi ako katulong gumawa
pag may sakit, hindi ako nag-aalaga.
pasensiya na, ako ay palaging wala
pasensiya na, bihira tayong magkita
di nyo alam, lagi akong nag-aalala
ang puso ko ay nariyan, kahit ako'y wala.
hindi ako pinalaki sa karangyaan
naranasan kong kumalam ang aking tiyan
kupas na uniporme aking pinagtiyagaan
butas ang sapatos papuntang eskwelahan.
bago ako nagdesisyong maging isang ina,
pinangako kong hinding-hindi kayo magdurusa
ang buhay nyo ay magiging laging masagana
gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.
pasensiya na, ako ay palaging wala
pasensiya na, bihira tayong magkita
di nyo alam, lagi akong nag-aalala
ang puso ko ay nariyan, kahit akoy wala.
pasenisya na at tv ang taga-aliw tuwina
ang gatas nyo, hindi ako ang nagtitimpla
darating ang panahon, trabaho'y tapos na
pangako ko mga anak, tayo'y magsasama.
0 comments:
Post a Comment